HelpUiTlmenuEdit - zaproxy/zap-core-help-fil_PH GitHub Wiki

Ang Menu ng Pamatnugutan

Ang menu na ito ay may hawak ng mga naghahanap ng mga string sa espesipikong tabs, naghahanap ng mga string sa lahat mga kihilingan at mga sagot at pangangasiwa sa sesyon ng pagsubaybay.

Hanapin...

Ito ay nagbubukas ng Hanapin ang dyalogo na siyang nagpapahintulot sa iyo upang makahanap ng string sa karaniwang napiling bintana.

Paganahin ang Sesyon Tracking (Cookie)

Ito ay nagpapahintulot sa mga detalye ng sesyon na siyang nakaimbak sa mga cookie upang masubaybayan. And opsyon na ito ay kailangang piliin upang paganahin ang "Gamitin ang kasalukuyang sesyon nga pagsubaybay" checkbox sa Muling ipadala at Mga dyalogo ng Editor ng Manwal na Kahilingan. Ang sesyon ng pagsubaybay ay nagsisiguradong kahit anumang kahilingan ay maipadala ng may pinakabagong detalye ng mga sesyon. Halimbawa ay maari mong maitala ang isang sesyon kapag naka-log in bilang isang taga-gamit at pagkatapos ay maglog-out at maglog-in bilang ibang taga-gamit. Kapag muli mong ipinadala ang kahilingan mula sa naunang sesyon ng walang sesyon ng pagsubaybay kung gayon ay gagamitin nito ang mga cookie mula sa naunang sesyon. Kapag nagpadala ka ng parehong kahilingan nang mayroong sesyon ng pagsubaybay kung gayon ay gagamitin nito ang mga cookie mula sa ikalawang sesyon.

Estado ng Sesyon ng Muling Pagbabalik

Ito ay nagpapaliwanag sa sesyon ng pagsubaybay.

Maghanap...

Ito ang pumipili sa Tab ng Paghahanap na nagpapahintulot sa iyo upang maghanap ng mga regular na ekspresyon sa lahat ng mga URL, mga kahilingan at mga kasagutan..

Susunod

Ito ang pumipili sa kasunod na paglitaw ng mga nakaraang string na hinahanap. Ang mga nauugnay na mga mensahe ay pipiliin sa tab ng Paghahanap at ang string ay ipinapakita at naka-highlight sa Kahilingan o Kasagutan tab bilang naangkop.

Nakaraan

Ito ang pumipili sa mga nakaraang paglitaw ng naunang string na hinahanap. Ang mga nauugnay na mga mensahe ay pipiliin sa tab ng Paghahanap at ang string ay ipinapakita at naka-highlight sa Kahilingan o Kasagutan tab bilang naangkop.

Dapat tandaang ang mga pandagdag ay maaring magdagdag ng karagdagang menu ng mga aytem.

Tingnan din

     Ang pinakatuktok na antas ng menu
     Buod ng UI para sa pangkalahatang-ideya ng hangganan ng gumagamit
⚠️ **GitHub.com Fallback** ⚠️