HelpCmdline - zaproxy/zap-core-help-fil_PH GitHub Wiki

Linya ng Utos

Para patakbuhin ang ZAP sa pamamagitan ng linya ng utos, kailangan mong mahanap ang panimulang script ng ZAP. Mga Bintana:

C:\Program Files (x86)\OWASP\Zed Attack Proxy\zap.bat

Mac:

/Applications/OWASP\Zap.app/Contents/Java/zap.sh

Linux: zap.sh ay mapupunta sa ibaba ng directory kung saan ang ZAP ay naka-install.

Bilang panghalili, pwede mong patakbuhin ang JAR file nang direkta:

java -jar zap.jar

Lahat ng mga opsyon sa ibaba ay maaring mapasa sa kahit alinman sa mga ito.

Mga Opsyon

Ang ZAP ay sumusuporta sa mga sumusunod na mga opsyon ng linya ng utos:

     -bersyon Nag-uulat sa bersyon ng ZAP
     -cmd Patakbuhin ang inline (lumalabas kapag ang mga opsyon ng linya ng utos ay kumpleto)
     -daemon Sinisimulan ang ZAP na naka-daemon mode, ie walang UI
     -config <kvpair> Pinapawalang-bisa ang espesipikong susi=pares ng halaga sa kumpigurasyon na file.-kumpigang mga opsyon ng linya ng utos ay aplikado sa order na naka-espisipiko sa kanila.
     -configfile<path> Pinapawalang-bisa ang susi=pares ng halaga kasama ang espesipikong katangian ng file
     -dir <dir> Ginagamit ang espesipikong directory sa halip na ang default nito
     -installdir <dir> Pinapawalang-bisa ang code na tumutuklas kung saan ang ZAP ay naka-install kasama ang espesipikong directory
     -h Nagpapakita sa lahat ng opsyon ng linya ng utos na magagamit, kasama na rin yung idinagdag ng add-ons
     -help Katulad ng -h
     -newsession <path> Lumilikha ng isang bagong sesyon sa binigay na lokasyon
     -session <path> Nagbubukas ng binigay na sesyon pagkatapos masimulan ang ZAP
     -host <host> Pinapawalang-bisa ang host na ginagamit sa proxying na naka-espesipiko sa kumpigurasyon na file
     -port <port> Pinapawalang-bisa ang port na ginagamit sa proxying na naka-espesipiko sa kumpigurasyon na file
     -lowmem Gamitin ang database sa halip na ang memorya kung maari, ito ay eskperimental pa rin
     -experimentaldb Gamitin ang eksperimental na code ng generik na database, kung saan hindi rin nakakagulat na ito ay eksperimental pa rin
     -addoninstall <addon> I-install ang espesipikong add-on mula sa Marketplace ng ZAP
     -addoninstallall I-install lahat ang pwedeng magamit na mga add-on mula sa Marketplace ng ZAP
     -addonuninstall <addon> I-uninstall ang espesipikong add-on
     -addonupdate I-update lahat ng nabagong add-on mula sa Marketplace ng ZAP
     -addonlist Ilista ang lahat ng mga naka-install na mga add-on
     -script <script> Patakbuhin ang espesipikong script (daanan ng sistema ng file) kung ang linya ng utos/daemon, o i-load lang kung ito ay GUI
     -last_scan_report <path> Likhain ang 'Huling Report ng Pagsusuri' papunta sa espisipikong landas
     -suppinfo Nagpapalabas ng nauugnay na mga detalye bilang suporta at pag-troubleshoot (papunta sa console/labas na pamantayan). Tulad ng: bersyon ng ZAP, bersyon ng java, naka-install na mga add-on at bersyon, lokal na impormasyon, gumaganang sistema, at iba pa.

Ang mga opsyon -session at -newsession ay kapwa eksklusibo. Ang isang error ay ipapalabas at lalabas ang ZAP (kung wala sa GUI) kung naka-set ang parehong mga opsyon. Mga relatibong landas papunta sa file ng sesyon ay nalutas laban sa "sesyon" directory na matatagpuan sa home directory ng ZAP (default or naka-espesipiko sa -dir opsyon). Mga susi ng kumpigurasyon ay dapat naka-espesipiko gamit ang notasyon na dot na naka-base ang kanilang lokasyon sa XML ng kumpigurasyon, eg:

<zap-script> -config api.key=12345 -config connection.timeoutInSecs=60

Tandaan na ang mga add-on ay maaring magdagdag ng extrang mga opsyon sa linya ng utos.

Mga Halimbawa:

  • Simulan ang ZAP sa mode na 'deamon' kasama ang bagong sesyon na ginawa sa naibigay na landas:

    <zap-script> -daemon -newsession session
    
  • Gumawa ng isang ulat tungkol sa huling iskan ng isang nabuo nang sesyon at lumabas ng ZAP pag natapos na:

    <zap-script> -last_scan_report /full/path/to/save/report.xml -session /full/path/to/existing/session -cmd
    

Tingnan rin

     Panimula ang panimula ng ZAP
     API para kontrolin ang ZAP nang naka-program
⚠️ **GitHub.com Fallback** ⚠️